|
|
 |
|
|
Mga
babasahin, saliksik, at iba pang sangguniang magagamit sa
pag-aaral ng Filipino sa modernong lipunan.
KARTILYA NG WIKANG
FILIPINO |
| |
|
| |
Kartilya ng
Wikang Filipino Bilang Wika sa Edukasyon
Dalawampu't siyam na tanong at sagot tungkol (a) sa
sistemang pangwika sa sistemang pang-edukasyon, (b) mga
hakbang laban sa Filipino, at (c) ang Filipino bilang wika
ng Edukasyon.
Magpatuloy... |
|
|
|
|
|
|
| |
Primer on the
Filipino Language as a Language of Education
Twenty-nine questions and answers on (a) the language
situation of the educational system, (b) steps taken against
Filipino, and (c) Filipino as the language of education.
Continue... |
|
|
|
| |
|
| |
PAMBANSANG DIREKTORYO NG MGA ALAGAD NG WIKA
Inilathala ng UP Sentro ng Wikang Filipino at Pambansang
Komisyon para sa Kultura at mga Sining (2004) |
|
|
|
| |
Binuo ang Pambansang Direktoryo ng mga Alagad ng Wika sa
layuning itatag ang saligan ng isang bagong kilusang pangwika.
Itinala rito ang mga indibidwal, samahang pangwika,
institusyong akademiko, sentro ng pananaliksik, at ahensiyang
pampamahalaan na nag-ambag at patuloy na kumikilos para
itaguyod ang Filipino, at sa gayon, iminamapa na rin nito ang
lakas na masasandigan para isulong pang lalo ang wikang
pambansa. Inaasahan na ang Direktoryo ay magsisilbing
praktikal na gabay para sa mas masigla at mabungang
pag-uugnayan at pagtutulungan ng mga alagad ng wika. |
| |
|
|
| |
|
| |
ULAT HINGGIL SA
FORUM SA ISPELING |
| |
| |
Ang Pambansang Lupon sa Wika at Salin,
National Commission for Culture and the Arts
(NCCA) ay nagtaguyod ng forum sa ispeling na
naganap noong 13 Agosto 2005, 2 Marso 2006,
at 21 Abril 2006 na dinaluhan ng mga
kinatawan ng samahang pangwika, kagawaran sa
Filipino, sentro sa pananaliksik, at
Komisyon sa Wikang Filipino, mga guro, mga
manunulat, mga editor, at mga masugid na
alagad ng wika. Natuon ang talakayan sa mga
suliraning dulot ng mga bagong titik sa
alpabetong Filipino at ng modernisasyon sa
buhay at wika ng mga Filipino, bagaman
pumasok din sa pag-uusap ang ilang lumang
suliraning nangangailangan ng higit na
malinaw na pasiya.
Magpatuloy… |
|
|
| |
|
|
| |
 |
SAWIKAAN 2005: MGA SALITA NG TAON
UP PRESS
Php 210.00
Itinatampok sa
aklat na ito ang 12 nominadong salita noong nakaraang
Sawikaan 2005: Ang blog ni Vladimeir Gonzales;
huwéteng ni Roberto Añonuevo; e-vat ni Leuterio
Nicolas; gandára ni Winton Lou Ynion;
caregiver ni James Kenneth Sindayen; callcenter ni Silvestre Jay Pascual III; pasawáy
ni Patrick Flores; networking ni Jelson
Estrella Capilos; wiretapping ni Yolando
Jamendang Jr.; coño ni Sharlene Valencia;
tibák/t-back nina April Imson at Salvador Biglaen,
Jr.; at tsunami ni Michael Francis Andrada. |
|
|
| |
|
| |
 |
SAWIKAAN 2004: MGA SALITA NG TAON
UP PRESS
Php 210.00
Itinatampok sa
aklat na ito ang 14 nominadong salita noong nakaraang
Sawikaan 2004: ukay-ukay
ni
Delfin Tolentino; kinse anyos ni
Teo Antonio,
text ni
Sarah Raymundo; jologs
nina
Alwin Aguirre at Michelle Ong;
otso-otso
ni
Rene Villanueva; salbakuta
ni
Abdon Balde, Jr.; fashonista ni Jimmuel
Naval;
dating
ni
Bienvenido Lumbera; tapsilog
ni
Ruby G. Alcantara;
tsugi
ni
Roland Tolentino; tsika
ni
Rene Boy Facunala
a.k.a.
Ate Glow; dagdag-bawas
ni
Romulo Baquiran, Jr.;
terorista at terorismo
ni
Leuterio C. Nicolas; at canvass ni
Randy David.
|
|
|
| |
|
| |
MGA SOURCEBOOK NG SANGFIL |
|
|
|
|
|
|
Unang Sourcebook
Ang Wikang Filipino sa Loob at Labas ng Akademya't Bansa
Dr. Benilda Santos, patnugot; at inilathala ng SANGFIL at
Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining (2003)
Pambungad na bolyum ang Ang Wikang
Filipino sa Loob at Labas ng Akademya’t Bansa: Unang Sourcebook ng Sangfil ng
pinaplanong serye ng mga aklat na nagtitipon ng mga pag-aaral at pananaliksik
tungkol sa wika, panitikan, at
kulturang
Filipino sa pagtataguyod ng Sangfil. Ang unang bolyum na ito
ay naglalaman ng mga sanaysay tungkol sa: 1) Ang Wikang
Filipino sa Lipunan at Mundong Postmoderno, 2) Ang Wikang Filipino sa Sistema ng
Edukasyon, 3) Ang Wikang |
| |
Filipino sa Pagtuturo, 4) Ang Wikang Filipino sa
Pagsasalin, at 5) Ang Wikang Filipino sa Pananaliksik. Inaasahan na kapag dumami
na ang mga sourcebook na ito, tatayo ito bilang kauna-unahang encyclopedia sa
wikang Filipino.
|
|
|
[TAAS] |
|
|
|
 |
|
Ikalawang
Sourcebook
Ang Wikang Filipino sa Pagpaplanong Pangwika
Dr. Pamela C. Constantino, Patnugot; inilathala ng SANGFIL at
Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining (2005)
Ang Filipino at Pagplanong
Pangwika: Ikalawang Sourcebook ng Sangfil ay antolohiya ng mga sanaysay na
tumatalakay sa iba’t ibang aspekto ng pagpaplanong pangwika sa konteksto ng
pagpapaunlad ng wikang Filipino. Mayroon itong anim na pangunahing
bahagi: 1)
pagpaplanong pangwika bilang larangan, 2) kros-kultural na pagpaplanong
pangwika, 3) institusyonal na pagpaplanong pangwika, 4) implementasyon sa
pagpaplanong pangwika, 5) globalisasyon at pagpaplanongpangwika, 6) advocacy at
globalisasyon. Mayroon ding lakip na apendiks na pangwika, 6) advocacy at |
|
| |
globalisasyon. Mayroon ding lakip na apendiks na naglalaman ng mga napapanahong
panukalang batas na nagbabanta sa wikang Filipino, gayundin, ng mga posisyong
papel ng mga makawika para tutulan ang mga batas na ito. |
|
|
[TAAS] |
|
|
|
|
|