|
Hinati sa dalawang pangkat ang
presentasyon ng mga salita: pito sa umaga at pito sa
hapon. Isa-isang iniharap sa kapulungan ang mga
inihandang sanaysay na tumalakay sa etimolohiya o
kasaysayan ng salita, ang gamit ng salita sa iba’t
ibang diskurso, at ang mga katwiran kung bakit dapat na
itanghal ito bilang salita ng taon. Dahil bahagi ng
batayan sa pamimili ang presentasyon, sari-saring
malikhaing teknik ang naisip ng mga tagapagtaguyod—tulad
ng performance art, kasangkapang biswal, diyalogo—para
umani ng hikayat mula sa mga tagapakinig.
Ang labing-apat na salita ay
tinalakay ng mga iginagalang at maniningning na pangalan
sa larang ng akademya at panitikan: ukay-ukay
ni
Delfin Tolentino;
kinse
anyos ni
Teo
Antonio,
text ni
Sarah Raymundo;
jologs
nina
Alwin Aguirre at Michelle Ong;
otso-otso
ni
Rene Villanueva (binasa ni Mark Chester
Lobramonte);
salbakuta
ni
Abdon
Balde,
Jr.;
fashionista
ni Jimmuel Naval;
datíng
ni
Bienvenido
Lumbera;
tapsilog
ni
Ruby
G. Alcantara;
tsugi
ni
Roland Tolentino;
tsika
ni
Rene Boy Facunla
a.k.a.
Ate Glow;
dagdag-bawas
ni
Romulo
Baquiran, Jr. (binasa ni Celine Cristobal);
terorista
at terorismo
ni
Leuterio
C. Nicolas (binasa ni Joi
Barrios); at
canvass ni
Randy David.
Nagkaroon ng malayang talakayan
pagkatapos ng bawat pangkat ng presentasyon. Ang mga
dumalo ay nakapagtanong sa mga tagapagtaguyod ng salita,
ang iba’y naghayag ng kani-kanilang kuro-kuro kung
bakit ang isang salita ang dapat tanghaling Salita ng
Taon.
Pagkatapos ng labing-apat na
presentasyon, bumoto ang mga dumalo gamit ang dalawang
pangunahing batayan o criteria: una, ang kabuluhan ng
salita sa buhay nating mga Filipino at/o pagsalamin nito
ng katotohanan o bagong pangyayari sa ating lipunan; at
ikalawa, ang paraan ng presentasyon, at kaugnay nito,
ipinasaalang-alang ang lawak at lalim ng saliksik sa
salita, gayundin ang retorika o ganda ng paliwanag, at
paraan ng pagkumbinsi sa mga tagapakinig.
Ang tatlong salitang nagtamo ng
pinakamataas na boto ang pumasok sa huling yugto ng
labanan (apat ang lumabas dahil sa may dalawang nagtabla).
Ito ang mga salitang
canvass,
tsika,
tsugi,
at
ukay-ukay.
Binigyan ng huling pagkakataon ang bawat
tagapagtaguyod ng apat na salita para kumbinsihin ang
piling hurado na kinabibilangan nina Prop. Almario,
Direktor ng UP Sentro ng Wikang Filipino na si Dr. Lilia
Antonio, at propesor sa wika ng UP Departamento ng
Filipino at Panitikan ng Pilipinas na si Prop. Ligaya
Tiamson Rubin. Sila ang nagpasya sa pinal na ranggo ng
apat na salita.
Sa katapusan, at pagkaraan ng mahabang deliberasyon ng
mga hurado, nagtabla sa ikatlong gantimpala ang mga
salitang
tsugi at
tsika, ikalawang
gantimpala ang
ukay-ukay,
at itinanghal na Salita
ng Taon ang
canvass.
Sapagkat Buháy ang Wikang Filipino
ni Virgilio S. Almario (Bahagi ng Aklat ng Sawikaan
2004: Mga Salita ng Taon)
Magpatuloy...
|