|
Alwin Aguirre at Michelle Ong. Guro ng
Panitikan at Kulturang Popular sa UP Departamento ng
Filipino at Panitikan ng Pilipinas si Alwin Aguirre.
Nagsusulat siya ng maikling kuwento, science fiction,
bukod sa gumagawa ng maiikling pelikula. Guro sa UP
Departamento ng Sikolohiya si Michelle Ong. Isa rin
siyang research fellow sa UP Center for Integrative and
Development Studies. Katatapos lang ng kanyang MA, at
ang kanyang tesis ay tungkol sa pag-iimahen sa katawan
ng mga Filipina.
[BALIK]
Ruby Alcantara. Full Professor sa
Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas si
Ruby Gamboa Alcantara.. Kasalukuyan siyang Deputy
Director ng UP Institute of Creative Writing. Autor siya
ng Diksiyonaryong Hiligaynon-Filipino na nagwagi ng
National Book Award.
[BALIK]
Teo T. Antonio. Kabilang sa mga
pangunahing makata ng bansa at maraming beses nang
nagwagi sa mga pambansang patimpalak sa panitikan.
Nakapaglathala na siya ng sampung aklat ng tula kabilang
na ang tulang epiko na Piping Dilat na nagwagi ng
Centennial Literary Prize noong 1998.
[BALIK]
Abdon M. Balde, Jr. Bikolanong
inhinyero at ngayo’y sumisikat na kuwentista. Nagwagi sa
Gawad Palanca ang kaniyang maikling kuwentong Supay; at
ang kaniyang pangatlong aklat na Mayong ay ginawaran ng
2003 National Book Award.
[BALIK]
Romulo P. Baquiran, Jr. Guro ng
Malikhaing Pagsulat sa U.P. Department of Filipino si
Romulo P. Baquiran, Jr. Nakalapaglabas na ng dalawang
libro ng tula—Mga Tula ng Paglusong at Onyx.
Nagwagi sa 2003 National Book Award ang ikalawa. Kasapi
ng LIRA at Oragon Poets’ Circle.
[BALIK]
Randy David. Full Professor sa UP
Departamento ng Sosyolohiya. Kolumnista sa Philippine
Daily Inquirer. Magkasunod na nalathala ang kaniyang
premyadong mga aklat na Reflections in Sociology and
Philippine Society (2001) at Nation, Self, and
Citizenship: An Invitation to Philippine Sociology
(2002).
[BALIK]
Rene Boy Facunla (Ate Glow).
Kilalang-kilala bilang Ate Glow sa komedyang
pantelebisyon. Seryosong mag-aaral ng BA Malikhaing
Pagsulat ng U.P. Kolehiyo ng Arte at Literatura.
[BALIK]
Bienvenido Lumbera. Kilalang guro,
kritiko, librettist, at iskolar. Noong 1993,
pinagkalooban siya ng Ramon Magsaysay Award for
Jounalism, Literature, and Creative Communication Arts.
Kailan lamang ay nagwagi ng National Book Award ang
kaniyang Sa Sariling Bayan, isang koleksiyon ng mga
dulang musikal.
[BALIK]
Jimmuel Naval. Kasalukuyang Associate
Dean for Research and Publications ng Kolehiyo ng Arte
at Literatura, UP Diliman. Premyadong mangangatha at
mananaysay, isa rin siya sa mga unang nagwagi ng Writers
Prize na iginawad ng NCCA sa mahuhusay na manunulat.
[BALIK]
Leuterio Nicolas. Isang accountant, libangan
ni Boy Nicolas ang pag-aalaga ng honeybee. Una siyang
nagsulat ng mga iskrip sa komiks bago ng mga maiikling
kuwento at mga lathalain. Ang isang akda niya ay
nagkamit ng Second Prize sa Don Carlos Palanca Memorial
Awards for Literature.
[BALIK]
Sarah Raymundo.
Nagtuturo ng kulturang
popular sa Departamento ng Sosyolohiya sa UP Diliman.
Siya ay kasalukuyang Sekretaryo-Heneral ng Congress of
Teachers and Educators for Nationalism and Democracy o
CONTEND.
[BALIK]
Delfin Tolentino. Dekano ng Kolehiyo
ng Sining at Komunikasyon ng UP Baguio. Kilalang iskolar
at manunulat, nagtuturo siya ng comparative literature,
at nakatuon ang mga saliksik sa panitikan, kasaysayan,
at kulturang materyal ng Cordillera. Siya po ay si Prop.
Delfin Tolentino.
[BALIK]
Roland Tolentino. Kasaluyang direktor
ng U.P. Film Institute at propeso sa Department of Film
and Audiovisual Communication ng UP College of Mass
Communications si Dr. Roland B. Tolentino. Isa siya sa
pinakaprolipikong mananaliksik at manunulat sa mga
larang ng malikhaing pagsulat, kulturang popular,
kritisismong pampelikula, araling pang-media, at araling
pangkultura.
[BALIK]
Rene Villanueva. Isang
pangunahin at premyadong mandudula, manunulat ng
panitikang pambata, at mananaysay si Rene O. Villanueva.
Isa siya sa iilang manunulat na nagawaran ng Hall of
Fame Award ng Gawad Palanca at kinilala rin bilang Ten
Outstanding Young Persons of the World noong 1993.
[BALIK]
|